Bulacan Covid-19 Updates
as of March 21, 2023

GOVERNOR'S MESSAGE

MENSAHE NG GOBERNADOR PARA SA ATING
MGA FRONTLINERS



Sa ngalan ng mga mamamayan ng lalawigan ng Bulacan, ang inyong lingkod ay taos-pusong nagpapasalamat sa ating mga Bulakenyo Covid-19 frontliners.

Kulang po ang mga salita para mailarawan ang aming pasasalamat sa inyong mahalagang ambag sa ating lipunan sa mapanghamong panahong ito. Kinikilala namin ang inyong tapat na paglilingkod, na hindi alintana ang panganib, alang-alang sa kaligtasan ng ating mga kababayan.

Salamat sa ating mga medical frontliners: mga doktor at nurses, medical technologists at medical staff…..hindi kayo kailan man tumalikod sa sinumpaang tungkulin, sa kabila ng panganib sa inyong sariling kaligtasan.

Ang ating magigiting na kapulisan at mga sundalo na 24/7 na nagbabantay sa ating mga checkpoint para sa mahigpit na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine.

...

Sa ating Sangguniang Panglalawigan sa pamumuno ng ating Vice Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado. Sa ating mga Pamahalaang Bayan at Lungsod sa pamumuno ng ating mga mayors, vice mayors, Sangguniang Barangay. Sa ating magigiting na kapitan, mga Kagawad. Sa mga tanod , Mother Leaders, LLN, Barangay Health Workers at mga tagapaglinis ng kapaligiran. Ang mga food providers, botika at ang kanilang mga essential employees na patuloy na pumapasok upang matugunan ang ating mga pangunahing pangangailangan.

Sa gitna ng krisis na kinakaharap ng buong mundo at ng ating lalawigan, ikinararangal po naming kayo at walang hanggan ang pasasalamat sa inyong sakripisyo at dedikasyon na inyong pinahalagahan ng higit pa sa inyong pansariling kaligtasan. Ang inyong lingkod ay nagpupugay sa inyong kabayanihan. Sa ngalan ng mahigit tatlong milyong Bulakenyo, Covid-19 frontliners, saludo po kami sa inyo ! We Fight As One. We Heal as One.


#ThePeoplesGovernor Provincial Website